Hindi na muli

'Di na muling dadaanin sa sulat ang aking nararamdaman
dahil ngayon kapiling ka na.
'Di na muling pipigilan ang aking damdamin
dahil ngayon malaya na.
'Di na muling lalayo dahil sa takot,
dahil ngayon marami ng tapang ang nahakot.
'Di ka na muling iiwan,
dahil ngayon ikaw na ang aking uuwian.



Comments

Popular posts from this blog

Ang pagbabalik

Sagad ang Kasiyahan Sa Sagada