Sa Wakas
Ayoko ng matakot. Ayoko ng tumakbo papalayo.
Ayoko ng tumakas sa sakit. Ayoko na maging duwag.
Haharapin ka na ng may tapang at ipapaalam ang aking nararamdaman.
Sa mahabang panahon ikaw'y kinalimutan na.
Hindi na umasa na baka mayroong ikaw at ako.
Ngunit sa paglipas ng panahon nagkaroon ng pagbabago.
Bigla ka na lang lumitaw sa aking panaginip.
Binalewala ang unang linggo ng ikaw'y masilayan.
Ikalawang linggo na andyan ka pa rin.
Napaisip na sa nais na mensahe at simula noon,
Aking sinaliksik ang ibig nitong sabihin.
Isang taon ng mahigit bago ko tuluyang naunawaan.
Nung una hindi makapaniwala, totoo nga ba?
Panahon ay tila baga biglang bumilis,
Malapit na ang tamang panahon.
Nag-iipon ng lakas ng loob.
Hindi na palalagpasin ang panibagong pagkakataon.
Mahal, nariyan ka pa ba?
May babalikan pa nga ba?

Comments
Post a Comment